Pasko na, akala ko magiging masaya at kakaiba... pero
mali. Masakit hindi ko kinakaya, kahit ayaw ko na lagi ko pading naiisip ang
mga sana, mga dapat at hindi dapat na nangyari saming dalawa. Gusto ko ng
kalimutan pero ayaw...ayaw ko!
Hindi ko magawang batiin ang kahit sino o maski ang
sarili ko ng ‘Merry Christmas’, dahil alam kong hindi iyon magiging taos sa
puso ko. Grabe talaga ang hagupit ng Disyempre2011, hindi naman masyadong
maraming problema pero ang lakas ng impact nito sa buhay ko. Yung iba hindi
naman talaga seryoso pero bumibigat ang lahat dahil sa sakit na nararamdaman ng
puso ko, shit.
Christmas eve, may pasok. Tamad ako, hindi makausap at parang
tanga na tumutulala nalang kahit may kausap akong iba. Aaminin kong isa yun sa
mga sabaw moments ko. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya...hindi ko PA
kaya. Umaasa padin ako na sa pagpatak ng alas-dose ng hating gabi ay
makakareceive ako ng text mula sa kanya kahit simpleng ‘Hi’ man lang o kahit
anung uri ng pangangamusta, masabi lang na naalala niya ko.
Ang daming text message at tawag ang tinanggap ko,
bumabati ng isang maligayang pasko. Plastic ang sagot ko pag sinasabi kong okay
lang ang pasko ko. Pansin nila ang pagkabalisa ko at ang sunod sunod na paghithit
ko ng sigarilyo na kamakailan ay tinigilan ko na. I look odd that time, i know
and it’s obvious for the friends who know me deeply. Hindi ko na nga din
maintindihan ang sarili ko, dati rati ilang araw lang move-on na ko pero ngayon
para kong gago.
Ala-una...breaktime. Kuha agad ng celphone, nanginginig
pa...excited. Ang daming message at miscalls, browse down..down..down, WALA.
Hindi ako nakakain. Tambay lang ako sa smoking
area...gusto mag-isa at naiiyak na talaga. Hindi ko kinaya yumakap nalang ako
sa isang kaibigan at iniyakan ko siya. Umiiyak ako habang tinatanong ko sa
sarili ko na ‘namimiss ko siya pero hindi niya ba ko namimiss after all ng
pinagsamahan namiN?...siguro masaya na siya, and it’s just too bad na hindi ako
yung pinili niyang magpasaya sa kanya... TANG’INA NIYA!’. (‘t was the first and teh last that i cursed on him)
Alam ko namang magiging ‘okay’ din ang lahat para sakin e
pero alam ko din na kailangan kong pagdaanan at ramdamin ang lahat ng sakit na
to para mangyari yon. Kabisado ko na ang proseso but why does every heartache feels
like always my first time?
Salamat sa mga kaibigan na umiintindi sa pagkamahina ko...salamat
sa mga magagandang bagay na tinatamasa ko kahit hindi ko sila pansin ngayon
dahil sa bigat ng puso ko!



0 comments:
Post a Comment
ang sabi nila...