bringing all the positivism back...HAPPY 2012


It’s getting about two weeks now simula ng magumpisa ang gaga-gagahan mode ko. Ang dami ko ng ginawa para lang makamove-on and forget, but why is it getting longer this time?...na dati rati naman angtapang tapang ko pa magtakda ng panahon kung kailan dapat nakamove on na ko.

Ang dami kong naiisip na dahilan kung bakit ganito. Una dahil ba tumatanda na ko at sa edad na betchinko ay nahihirapan na ring iprocess ang emosyon ko, dahil kamakailan napansin ko na masyado yata akong detalyado sa mga bagay bagay sa buhay ko. May pressure sa sarili na matupad na sa lalong madaling panahon ang mga gusto ko sa buhay at isa don ay ang magkaron ng lovelife na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko(sad truth);

Tama never ko to inamin sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Wala pa kong nagiging steady lovelife, puro trial at nauuwi sa puro error! May mangilan ngilan na rin akong nakilala na nagpa-spark sa lovelife ko and we shared a lot of good memories kaya lang hindi nagtatagal. I may have done things that i should not do in the past pero as time goes i know i’m getting better pero bakit wala pa ding nangyayare?...ay mali, mali!ang dapat... bakit after na may mangyare(you know what it means) bigla nalang hindi nagwowork, bigla nalang madaming dahilan... bigla nalang nawawala.

Kung minsan natatawa kong tinatanong kung may sumpa ba ang lovelife ko. Naiinggit ako sa mga ilang kaibigan na tumatagal ng ilang taon ang relationship nila sa mga jowa nila. Nakakarinig ako ng ilang mga pagaaway o struggles sa realtionship nila pero they still end up being together. Pero pag sa akin dead end agad... Lintik na yan!


Marki, hindi siya para sa’yo...
                  E sino'ng para saakin, avvhheerrr?!!

Baka hindi pa time...
                  Kelan?...kelan ba ang time?!! benrchinko anyos na ko,
                  wala pa ding nangyayare sa lovelife ko!

                 Parati nalang akong outdated....sa music, movies, gadgets etc.,
                 pati ba naman sa lovelife?!!!
                             
Makakahanap ka din!
                Ilang taon ko nang naririnig yan...napapgod din naman ako.
                Ako naman nga ang hanapin niya!


Tama na ang gaga-gagahan mode ko! Kung gusto niya pa talaga ko edi sana noong una palang o nung pasko e binati na niya ko.Masyado na yata siyang masaya sa piling iba kaya magpakasaya nalang siya,  nagpapasalamat padin ako na nagkakilala kami. Walang bitterness, panghihinayang meron pero what’s the point?...WALA.

Basta ang alam ko hindi ko pwedeng dalhin ang lahat ng bigat ng bagaheng ito sa pagpapalit ng taon. Year 2012 is so promising for great things para magdwell sa mga negative and unnecessary vibes ng buhay at isa pa being depress is so not me kaya i have to get out of this blanket of sadness to see the happy light which has been always around!




CHEERS FOR 2012...for the great things ahead!

SMP TALAGA...




Pasko na, akala ko magiging masaya at kakaiba... pero mali. Masakit hindi ko kinakaya, kahit ayaw ko na lagi ko pading naiisip ang mga sana, mga dapat at hindi dapat na nangyari saming dalawa. Gusto ko ng kalimutan pero ayaw...ayaw ko!

Hindi ko magawang batiin ang kahit sino o maski ang sarili ko ng ‘Merry Christmas’, dahil alam kong hindi iyon magiging taos sa puso ko. Grabe talaga ang hagupit ng Disyempre2011, hindi naman masyadong maraming problema pero ang lakas ng impact nito sa buhay ko. Yung iba hindi naman talaga seryoso pero bumibigat ang lahat dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko, shit.

Christmas eve, may pasok. Tamad ako, hindi makausap at parang tanga na tumutulala nalang kahit may kausap akong iba. Aaminin kong isa yun sa mga sabaw moments ko. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya...hindi ko PA kaya. Umaasa padin ako na sa pagpatak ng alas-dose ng hating gabi ay makakareceive ako ng text mula sa kanya kahit simpleng ‘Hi’ man lang o kahit anung uri ng pangangamusta, masabi lang na naalala niya ko.

Ang daming text message at tawag ang tinanggap ko, bumabati ng isang maligayang pasko. Plastic ang sagot ko pag sinasabi kong okay lang ang pasko ko. Pansin nila ang pagkabalisa ko at ang sunod sunod na paghithit ko ng sigarilyo na kamakailan ay tinigilan ko na. I look odd that time, i know and it’s obvious for the friends who know me deeply. Hindi ko na nga din maintindihan ang sarili ko, dati rati ilang araw lang move-on na ko pero ngayon para kong gago.

Ala-una...breaktime. Kuha agad ng celphone, nanginginig pa...excited. Ang daming message at miscalls, browse down..down..down, WALA.

Hindi ako nakakain. Tambay lang ako sa smoking area...gusto mag-isa at naiiyak na talaga. Hindi ko kinaya yumakap nalang ako sa isang kaibigan at iniyakan ko siya. Umiiyak ako habang tinatanong ko sa sarili ko na ‘namimiss ko siya pero hindi niya ba ko namimiss after all ng pinagsamahan namiN?...siguro masaya na siya, and it’s just too bad na hindi ako yung pinili niyang magpasaya sa kanya... TANG’INA NIYA!’. (‘t was the first and teh last that i cursed on him)

Alam ko namang magiging ‘okay’ din ang lahat para sakin e pero alam ko din na kailangan kong pagdaanan at ramdamin ang lahat ng sakit na to para mangyari yon. Kabisado ko na ang proseso but why does every heartache feels like always my first time?

Salamat sa mga kaibigan na umiintindi sa pagkamahina ko...salamat sa mga magagandang bagay na tinatamasa ko kahit hindi ko sila pansin ngayon dahil sa bigat ng puso ko!






-LILIGAYA DIN ANG MGA PASKO KO!-

SMP na naman...




We have planned to go out this   week...No, actually he planned that we will  

watch a movie and grab some drinks together before christmas. I was so excited telling myself that “ooopsss...i was so wrong and stupid to think that our sexy night together will change everything about our friendship”. Yeah, I kinda regret comparing him with the men i have with in the past.  

He was really jolly that night when he told me about his plan of us hanging out again and asked for a pair of red socks(weird) as a christmas present. Though I was thinking of buying him a gift that’s pretty symbolic and that i know he’s gonna laugh when he sees it, but i did not once I’ve confirmed that it’s no joke when he asked for red socks. Why would he want a pair of red socks anyways...lol.

A night while i’m on the way to work...i received a regular SMS from him.

He: wassup pare ?
Me: Nothing much going to work again hehe how are you? (I was inside the FX)
        O prelims now over?

He: Not really one more exam tom pe only hehe
Me: Thats nice at least you can rest on the weekends hehe. After that its xmas break hehe...
        u sure u want red socks? (who would be wanting a pair of red socks any way?!)
He: Hahaha if my boyfriend let me wear it
                 ...i got confused thinking he’s just playing around so i replied a phishing joke

Me: Woh ur not telling me u already have a boyfriend
He: We just went into a relationship last night
                ...what-the-f*ck he’s serious!
...i suddenly felt  a heavy chest, i can’t breath, i can feel my ears are getting hot
and my throat is  getting dry

Me: Congratulations buddy
He: Tnx
                ...and then there’s this awkward silence...

Me: So are we still going out on Wednesday?
(...begging act,wishing that everything he just said  was a joke)
He: Wed I don’t know he wants to take me to Tagaytay

                ...it was funny when i was really thinking of inviting him in tagaytay once we meet again
                ...and everything  shatters

Me: okay


Tears suddenly get into the edge of my eyes, holding still to avoid from falling while I’m trying to control my emotions. thinking so fast and making myself believe that it’s okay, it should be okay for me anyways coz  i don’t even have the right to feel hurt coz we’re just friends after all. only friends that had gone into a one time benefit by accident!

I was thinking that i’m brave enough to endure the pain, in fact i felt so numb as i entered the office. I was aked by many why i was so quiet that night; why i’m not cracking a joke or why am i not the happy me that they are used to see. i just answered them a smile but deep inside i really wanted to cry.

I dont want to talk to anybody that time. My bestfriend  was not around so I didn’t have anyone to turn and talk to. I remained my mouth shut  about it  but my heart continues to shout unstoppably untill a friend of mine who have noticed that something is bothering me hugged me for comfort. I immediatel dettached myself from that comforting hug and shouted at her to stop. Our friends around got shocked why i acted that way but they got even more shocked when they saw the tears flowing down my cheeks.

“I told you not to hug me!”... I couldn’t help myself crying that time. Everybody got silent and just watched me shedding my tears. I wanted to stop coz I really don’t want anybody see me crying, but controlling myself didn’t work anymore and found myself sobbing with my face on my jacket.  A friend beside me was rubbing my back telling methat i will be okay and the one who hugged me just hugged me even tighter.

That moment, i felt comfort. I know i haven’t cried enough yet coz I know there’s a process I have to undergo AGAIN and it just got started coz i know that as tears flow and so the pain goes! 

romeo...oh romeo




Hindi ko alam bakit pabalik- balik ako sa mga gay dating sites.  Halatado naman kung anu lang ang hanap ng karamihan e... trip, sex, laro-laro alng  na hindi uubra nga sakin dahil ayoko non as much as possible. I don't want to make an impression that i am so pure and clean,  of course vulnerability attacks me as well especially  whenever  I’m sad or  feeling lonely for whatever reason,  pero on a normal state of mind... I wouldn't really choose to hook up with whoever just to passify my sensual needs. 

Sa dinami dami ng mga campaign ads, informercials at samu’t saring impormasyon  na pinapalaganap sa internet, sa telebisyon, health centers at sa mga school e hindi padin talaga mapigilan ang pagsikat ng mga gay hook-up sites na 'to na pinapaalalahanan ang lahat na ang mga websites na ito ay pugad din kung saan naglipana ang mga carriers ng mga sakit gaya ng AIDS, STD at pati na rin mga pwedeng mag-cause ng sakit sa PUSO ng mga bekla...nasabi ko yun dahil marahil sa posibilidad na makakilala ka ng ilang mga taong kaperahas mo ng gusto o swak sa interes mo...magmi-meet kayo at pwedeng maging ‘KAYO’.


Planet Romeo...alam ko madami sila gaya ng Manjam, DL at hindi ko na alam kung anu anu pa ba dahil hindi naman talaga ko mahilig gumawa ng mga account. Nadiscover ko to 'nung mga panahong vulnerable at feeling sawi ako after a break up. Masaya naman kasi nakikita mo kung sinung nagvi-view sayo.  May mga epek kang makikilala pero yung iba ewan... ayaw ko nalang magsalita, haha. Discreet/straight acting daw sila pero bakat na bakat ang johnson's baby powder nila sa mukha. Makikita at mababasa mo din dito yung ang sari saring ideya, kuro kuro at paniniwala ng bawat bekla sa kung sino ba talaga sila at kung ano ang gusto nilang mangyari. Ime-message ka nila at ang karamihan sa kanila ay perverts dahil sa sampung magmemessage sayo malamang walo don ang yayayain kang maginuman o makipagsex...at sa walong yon, lima ang hindi mo bet, dalawa magbabackout at yung isa wala pang place. Joke lang!



Nakikipag-meet ako minsan usually sa malls o matataong lugar lalo na kung first time. Manonood ng sine, magpapasama kong bumili ng kahit ano, kakain at kwentuhan. Kanya kanyang trip lang dapat alam na ang rules, pag hindi nyo bet ang trip ng isa’t isa ay malamang yoon na ang huli nyong pagkikita...pero pag swak, sabihin nating may spark na naganap, ay nako naman may future na baka mauwi kayo sa isang malamig na lugar hehe. 

May mga ilang experiences ako sa pakikipag ‘eyeball’ na sobrang nakakatawa gaya ng may makameet akong isang seminarista pala...sa simula pa lang ang awkward naman na talaga ng feeling ko dahil shirt and jeans ang suot tapos ang kasama ko naka-uniform na pang pari (blue polo/slax with matching necklace na may malaking krus na pendant) at lalo pa ko’ng kinilabutan nang habang nanonood kami ng sine e hinawakan niya ang kamay ko...jusko po!

Yung isa foreigner naman, nagkasundo talaga kami and we text regularly and hang out together once in a while, and though we know we both care about each other ay hindi matatawag na 'kami' dahil sa mga issues namin sa buhay...este siya lang pala ang maraming issues sa buhay, LOL. At eto nga yung recently estudyante, 2 taon yata ang agwat namin na nasobrahan naman yata ng pagkabibo at ang gusto niya siya lang ang topic na paguusapan...o edi siya na!

Nakakatakot yung iba na parang nang-haharass na...yung tipong mabait sa text tapos pag magyayaya ang demanding at kukulitin ka talaga na kesyo susunduin daw ako sa bahay pa namen. Kaya lumalaki akong takot at pilit na kontrolado sa pakikipagkilala sa kung kanino sa mga gaysites na ganyan.

I know my cruising at my own risk...and i know how to take care of myself too. Minsan naiisip ko, oo alam ko na yon pero sa totoo lang wala naman talaga kong napapala. Libog lang kasi ung iba, I mean karamihan pala, ang gaganda ng pictures at kanasa nasa...pero wala naman e, chances are gusto mo sila pero ikaw hindi ka nila gusto, or kung hindi naman gusto ka nila pero ikaw di mo sila gusto. Nakakasawa din sa totoo lang dahil parang nasasayang ang oras imbis na itinulog ko nalang diba? Pero siguro patuloy parin ako sa paglog-in don dahil meron kung ano sa loob ko na naniniwalang  sa dinami dami ng mga taong perverts dito...high risk man ang AIDA at STD e umaasa parin ako na baka makahanap ako ng taong swak maging kapareha ko...malay ko kung dun niya din pala ko hinahanap!







SABOG...hahaha


i'm losing it again...(Part 2)


Tumuloy kami sa plano. Pumunta muna ko ng mall para bumili ng susuotin para sa party ng kumpanya kinabukasan. Medyo nahirapan ako sa pagpili kaya napagod ako. Nagpabili pa siya ng mga dvd na papanuorin daw namin sa unit niya na binili ko naman. Sobrang pagod na ko at gusto ko nang maupo at magpahinga pero parang kahit saan ako sa loob ng mall pumunta e wala kong mahanap at lalo akong napapagod sa dami ng tao na nakikita ko, kaya tinext ko na sya para magkita. Sabi niya masyado daw maaga para pumunta kami sa unit niya kaya nagsuggest sya na magpamasahe nalang kami along QC na super like ko naman ang idea.

Naghintay ako ng konti bago siya nakarating at alam kong nakita niya kung gano ko kahaggard dahil sa pagod at sinabayan pa ng pagkainit init kahit gabi na. Tinitease niya na anman ako pero wala ko sa mood kaya dumiretso na kami sa spa. I knew that time that i needed a rub so i really was in to it. Nung inumpisahan ang masahe hindi ko na siya masyadong kinakausap at pati din siya, parehas  kaming busy sa sarap na nararamdaman sa bawat pindot at bawat hagod ng masahista sa buong katawan namin. Nang matapos ang pagmamasahe sakin, narinig ko nalang na may humihilik sa katabi ng kama ko. Tulog na tulog siya  at ako naman ang ginhawa ng pakiramdam pero hindi ako makatulog ewan ko kung bakit.

Lumipas ang ilang oras, may kumakatok nalang sa pinto na nagsasabing time na daw kami. Kaya naman ginising ko na siya ng pilit para mag ayos na kami ng sarili namin. Alas onse y medya na yun nung makalabas kami sa spa at pinapagalitan niya ko kung bakit hindi ko daw sya ginising, weh malay ko ba kung magalit siya pag ginising ko siya. Dumiretso kami sa isang malapit na persian restaurant at ewan ko ba kung bakit umaarte ako at ang konti lng ng kinain ko, more usap lang kami ng kung anu ano. Natapos ang dinner, lumabas na kami agad at sumakay ng taxi. Nagtatalo pa kami dahil hindi ko daw siya ginising kaya ngayon wala na kaming mabilhan ng alak na iinumin. Nagtry kaming bumili sa isang 24hour convenient store pero may liquor ban sa madaling araw, parang mga tanga sinu kaya ang magiinuman sa umaga haha. Sa pag andar ng taxi nakahanap kami ulit ng tindahan na napagbilhan kami ng alak at yon solve na ang problema, diretso nakami sa unit nya.

Pag baba namin ng sasakyan, kita ko agad ang gara ng building. Ang taas at ang laki...pang mayaman na hinangad ko bigla na sana may unit ako dito. Nung mapadaan kami sa pool side ang daming tao mga magkakapit bahay siguro pero sabi niya bilisan ko daw ayaw niya sa mga taong iyon. Nakarating kami sa 21st floor kung saan nandon ang unit nya. Pagpasok ang luwag walang kagamit gamit nakita ko lng ang malinis na sala, stove,ilang gamit pang kusina, ref na puno ng laman, kwarto na may malaking kama at laptop. Hindi talaga siya nag-invest sa mga gamit dahil nagrerent lang sya at balang araw aalis din pag natapos niya ang pagaaral niya dito sa Pinas para bumalik sa bansa nila.

Nabobore ako nung una dahil anung oras na e hindi pa kami nagseset up ng iinumin namin. Ako nalang
ang gumawa at para makainom na at sana manood na ng DVD. May kachat kasi siya,sabi ko sa sarili ko na hindi ako affected kaya nung tinanong ko kung sino at aba pinakita pa sakina ng picture at kinwento pa kung sino talaga yon. Mukang napapasarap ang pagchat nila kaya kelangan ko ng magsalita, at ayun nga tinigilan niya na din at sinalang ang bala. Ayaw na daw niyang uminom dahil masakit na ang tiyan niya kaya ako nalang, naubos ko ang isang bote ng soju, masarap kasi dry at ang bilis ng tama. I was just laughing watching “The last song” the whole time halong kilig at tawa sa mga lines ng pelikula na minsan humihingi ako ng pasenysa kase hilig ko talagang magcomment pag nanonood ng pelikula. Pinipilit ko siyang inumin pa namin ung isang bote pero ayaw na talaga niya hanggang sa matapos na ang pelikula. He turned off his laptop and went to the bathroom, ang tagal niya sobra nakakaidlip na ko nung maramdaman ko na nahigaan niya ang kamay ko. Nagising ako at tinanong siya, “what took you so long?”...nagshower daw siya dahil sa dami ng oil kanina sa spa, sabi ko  “okay!”. Hindi ko inalis ang kamay ko mula sa pagkakadagan ng ulo niya dahil parang mas lalo niyang inipit ito.

Sabi ko: “Are we going to sleep?”

Sabi niya: “I guess so, after you give me a face massage.”

Parang automatic biglang gumalaw ang kamay ko at hinimas himas ang mukha niya at habang ginagawa ko yon pinuna ko siya sa kapal ng balbas niya

Sabi ko: “You got a lot of hair huh..”
Sabi nya: “yeah”
Sabi ko: “ it’s all over teh place...am I doing it right?”
Sabi nya: “what “
Sabi ko: “..the massage, i’m not good at it, am I?”
Sabi nya: “ yes you are not”...sabay tawa
Sabi ko: “why, do you want me to go else where?” with a teasing voice na yon
Sabi nya: “what if you’re drunk?” bumubulong
Sabi ko: “ you did not answer my question...”
Sabi nya: “hah”

Sabay baling ako sa mukha niya na nakatingin na pala siya sa akin. He grabbed his hand on my face at inilapit namin ang mga labi namin sa isa’t isa. Wala ‘kong masyadong maramdaman nung una pero nung kinakagat niya na ang labi ko at naglalakbay na ang kamay niya at kamay ko sa katawan ng bawat isa ay nagsimula na kong mag init. Masasabi kong magaling siyang humalik, i was telling him he’s an expert at natatawa lang siya.

Sabi ko: “you are so good”
Sabi nya: “really”

Pumatong ako sa kanya ng bigla nalang sumagi sa isip ko ang bagay na kinakatakutan kong mangyari kaya tinanong ko siya...

Sabi ko: “are we still friends after this?”
Sabi nya: “yeah” na naka smile
Sabi ko: “friends with benefits haha”

Tuloy ang love making pero sa likod ng utak ko, hindi ako talaga masyadong naniwala na magiging friends pa kami after. Umaasa na sana nga maachieve namin yun pero para maniwala parang hindi ko na magawa dahil sa mga past experiences ko na tulad ng ganito. Ramdam namin ang sarap ng bawat halik at haplos ng bawat isa na sinasabayan pa ng mga ungol sa bawat indayog ng aming mga katawan. Ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi sya ang nakikita ko habang ginagawa na min yon para bang naghahanap ako sa ilalim ng aking alaala ng ibang tao para lubos kong maramdaman ang sarap ng ginagawa niya...hindi ko alam kung valid ba ang nararamdaman ko pero  ewan ko naguguluhan talaga ako. Alam kong sa puso ko may pagmamahal ako sa kanya kaya nga ayoko siyang mawala e pero bakit?...hindi ko talaga maintindihan.

Natapos kami ng umaga na. Habang naliligo siya nakita ko ang oras at naalala na kailangan ko ng umuwi dahil may party pa kong aattendan kinagabihan. Paglabas niya ng CR sabi ko kailangan ko ng umuwi. I just cleaned up myself a little and prepare my stuff and kissed goodbye. Nabagabag ako lalo sa eksena ng kissing good bye na ‘yon. Bigla nalang nagflashback ang lahat from the past, nasariwa ang pakiramdam ko na magisa nalang ako...lutang ang diwa at nagsisisi kung bakit ko hinayaang mangyari samin ‘yon. I feel so bad about myself that even though he promised that we will still be cool with each other after what happened e ang hirap na kahit na gaano pa kalaki ang tiwala ko sa kanya ay hindi ko parin makuhang panghawakan yon para lubos na maniwala na hindi siya katulad ng iba. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko puno ako ng pagsisisi ngayon sa nakaakmang pagbabago sa pakikitungo namin sa isa’t isa...paranoid ako oo dahil alam ko na. Kahit hindi pa nangyayari, nararamdaman ko na at hinihintay ko nalang ang kumpirmasyon mula sa mga pagbabagong magaganap.

Nagsisisi ako at nalulungkot na kailangan ko na namang pagdaanan ang lahat ng ito. Emo-emohan parang tangang maghihintay ng text niya, hintayin ang paglog-in niya sa facebook at YM para makachat siya o di kaya tignan at basahin ang mga status message niya, ibrowse at tignan lahat ng pictures niya. Yang mga bagay na yan ang nakakapagpabaliw sakin, inugali ko na ang saktan ang sarili ko ng todo para sanayin ko at gawing manhid ang puso ko ng sa ganon mabilis akong maka-move on. Nakakapagod ang ganitong set up kaya nga i don’t get much of hooking up coz i end up feeling more lonely after the sex stuff e pano pa kaya kung sa isang taong may emosyong namamagitan. I get to be in love for simple things but i am trying to be wise and i thought i was doing it right pero hindi pa pala...i am way far from being real wise. This thing just happen made me realize that the idea of being friends with benefits is something that wouldn’t really work for me because I always end up losing it. A friend once told me that it needs more practice...but i can’t. I just can’t afford losing my heart again, period!

i'm losing it again...(Part 1)


Malinaw naman sakin ang lahat na hindi magiging kami. Nabasa ko na ang signal nung una namin subukan. I tried to be a good partner pero hindi yata talaga ako ang gusto niya...hindi ako ang hinahanap niya. Dahil dun, sinubukan kong layuan siya para kalimutan. He said that he still cares for me and so am I, nakakawindang lang ng sabihin niya he still feel  jealous whenever i have new added friend in facebook. He told me he is still in love with me but he can’t for right now dahil sa mga sirkumstansya at ka-emohan niya sa buhay. Walang text, walang status o message sa facebook para sa kanya pero siya naman ‘tong pilit na bumalik para sakaling maging magkaibigan nalang daw kami. Pinilit kong wag  mag give-in sa gusto niyang mangyare pero ewan ko nararamdaman ko yata non na sincere sya lalo na nung nagpaalam siyang aalis ng bansa during sem break para magbakasyon at sabi niya itetext daw niya ko pagbalik niya. Hindi ko masyadong inasahan yon baka naman kasi it's his way of getting rid of me lang ang drama niya and after a while masasanay na din ako na wala na talaga siya at yun na goodbye na talaga kami sa isa’t isa.

Matapos ang ilang linggong nasanay naman talaga ako na wala siya e naramdaman ko namang okay lang...nakakalunkot nga lang dahil nung wala siya hindi ko na din masyadong niloloadan ang cellphone ko na dati rati e lagi akong may points sa globe ng dahil sa kaka-avail ko ng mga txt promos nila. Hindi naman kasi talaga ko mahilig magtxt ng magtxt sa kung kani kanino kaya nga minsan ung bente pesos na regular load e umaabot ng isang linggo, sayang naman kung ia-unli kopa diba. Isang insidente ng magpost ako ng isang bitter bitteran about breaking promises statement sa facebook para sa isang ka-opisina e nakareceive ako ng text message mula sa kanya. Alam ko naman na nakabalik na siya isang linggo na pero dahil nga hinanda ko na ang sarili ko ay hinayaan ko nalang at hindi na ko umasa pa. Ewan natamaan yata kaya nagtext bigla at hindi ko nireplyan nung una. Nagtataka ko e, ayun na he just got successful of getting rid of me for good sana, e nasanay na nga  ko diba, okay na ko tapos magtetext bigla ng, “hey buddy i’m back”, kairita lang.  Sinabi ko’ng  hindi ko inasahang magtetext pa siya pero sa totoo lang gusto kong sabihin na “kala ko di ka na magtetext e”, sabi niya akala daw kasi niya ako ang nakalimot. Medyo mapride kasi siya e gusto niya siya yung unang tinetext, ung unang inaapproach.

Dahil sandali lang ang sweet sweetan, madali ko rin namang nakontrol at tinanggap sa sarili ko na okay, magkaibigan nalang kami. Hindi ko siya masyadong iniintindi nung una pero nung saktong tinanggap ko na ng bongga e parang walang nagbago, sa totoo mas naging maayos ang samahan namin. To my surprise naalala nya yung invitation ko to go to the museum na dinecline nya, sabi niya he’s up to it na daw. Pero tinanong ko muna kung sigurado siya dahil ayokong mafrustrate kapag inayos ko na ang lahat. Tuloy dapat ang plano kaso may lakad kami pareho sa gabi ng target date kaya umisip kami ng iba. Nagkasundong maglunch nalang at manood ng breaking dawn. That idea kinda felt special for me(kanino ba’ng hinde) pero bago pa ko umasa ulit e inerase erase ko agad sa utak ko...magkaibigan na nga lang diba! It made more special when he brought me a shirt and a bamboo flute made in Bali where he went for vacation last sem break and treat me again for an expensive lunch and movie on a VIP seat. Sa mga oras na ‘yon ayoko naman talagang mag assume pero hindi ko na masyadong napipigilan ang sarili ko e dahil masyado kong natutuwa sa mga ginagawa namen.

Naging mas maganda yung samahan namin, i kinda felt like i can trust him and that he is the same with me. Araw araw magkatext or chat sa facebook kwentuhan ng kung anu ano..it felt good that i know we care for each other pero walang I love you...walang mwahs sa dulo ng text message, kinda awkward pero sakin ayos lang...masaya naman ako.

Masyado na kong natuwa sa mga nangyayare kaya ewan ko ba parang gusto ko na siya ulit makasama. Komportable na kami with each other hanggang pati mga naughty thoughts napapag-usapan na namen sa text at sa chat. Experience ko sa experience niya, fantasy niya sa fantasy ko minsan nga tini-tease pa niya ko e na gusto niya kong papuntahin sa unit nya pero hindi ako bumibigay kasi alam ko kaibigan ko siya at kinakatakutan ko talagang mahaluan ng kalibugan ang pagkakaibigan namin dahil alam ko na dun kami masisira, kapag nagsex kami.

Nagpatuloy ang teasing act niya sakin at hindi ko namalayan na nadadala na din ako. Nararamdaman ko kaisng sinusubukan niya ko e at kapag ginagawa niya yon lumalaban ako. When he teases me, i tease him more that kinda blow up his mind. He was liking it kaya naman lalong uminit ang mga conversation. Humantong kami sa pagpaplano na magkita ulit, i initiated it this time, nagumpisa sa planong mag clubbing pero sabi ko mejo mahal; napunta kami sa coffee coffee pero parang ang boring kaya balik kami sa sa chill drinking, we tried to find a good place pero wala kaya nauwi kami sa kasunduang sa unit niya nalang gawin while watching DVD. Alam kong posibleng may mangyare samen na kinakatakutan ko nga, pero ewan ko ba bakit hindi ko napigilan ang sarili ko. Noong mga panahong yon vulnerable na ‘ko hindi ko alam kung bakit tila nawala ako sa tamang katinuan at makipagkasundong gawin yon na hindi handa sa posibilidad na baka iyon na nga ang katapusan ng samahan naming dalawa. 







Itutuloy...

nakakabaliw


Nung sinabi kong bumalik ulit ako sa blog na ito dahil gusto
kong balikan ang dati ko ng hilig...1/4th lang yon ng totoong
dahilan kung bakit ako bumalik.

Magulo talaga ang utak ko ngayon!
Hindi ko na kayang isupress o kontrolin ang sarili ko, dahil
after quite sometime i'm kinda losing it again. Again, dahil
same reason pero ibang approach.

Actually, magaling akong magkontrol ng emosyon.Gaya ng
galit...tumatanda akong hanggat sa maaari e ayokong
nakakaramdam ng galit(dahil naniniwala akong ang galit at
kung anu pang negative emotions ay nakakapangit), so it's
either isusupress ko ang ideya dahil malamang hindi ito
lubusang mahalaga, i-rationalize ang mga bagay para maunawaan
ko ang isang ideya o di kaya para sa pansariling kapakanan ay hindi
nalang talaga ko umeeffort magsayang pa ng galit lalo na kung hindi
naman makakatulong para sakin at sa dapat kagalitan.

Dahil nga dyan madalas din akong hingan ng payo, tanong kung
anung tingin ko dito...anong palagay ko sa ganyan o kung anu
ba ang gagawin ko kung ako sila tungkol sa pamilya sa
lovelife at kung anu anu pa. Sa totoo lang ,hindi naman talaga
mahirap para sakin na gawin yon. Makikinig ka lang ng maige,
buksan mo ang isip at pangunawa at ilagay mo yung sarili mo
sa sitwasyon at sabihin mo kung anu talaga opinyon mo;
samahan mo pa ng sincerity at words of encouragement at
instantly... ikaw na ang bespren nila.

Pagdating sa usaping puso naman, parang nawawala na ang dunong ko! Bigla nalang, hindi ko pwedeng asahan na maging bespren ang
sarili ko. Hindi ako makakain ng maayos (which is good sana
for my diet),hindi makalampas ng dalawa’t kalahating oras ang
tulog at para siyang virus na pilit pumapasok sa isip ko kahit ilang
beses kong utusan ang utak ko na ...tama na, tama na!
Nakakainis lang  dahil kitang kita ko ang buong imahe ng sitwasyon
dahil nga naman ako mismo ang karakter na nandoon, pero para
'kong tanga na kahit anung pilit kong magpakalohikal para
magformulate ng anumang solusyon at maka-ilang beses na pangaralan
ko ang sarili ko e walang nagyayare...nirereject ng sarili kong pangunawa
ang ideya o solusyon na ako din mismo ang maygawa.

NAKAKALOKA!




BADSTRIP!



Ang tagal ko ng hindi nabadtrip ng ganito! sa sobrang tagal
parang gusto kong magwala at sumigaw.

Alam mo yung iniayos mo yung lahat...na feeling mo okay na
pero ayun isang iglap sira ang plano...sira na ang diskarte ko!

balik loob




Buhay pa pala 'tong account ko na to.


Ang dami nang nangyare.
kung ia-update ko nga kayo e hindi ko na alam kung saan
maguumpisa. Hindi naman sa dahil wala talaga 'kong time, 
oo busy talaga ko sa work, pero marami naman na talaga 
'kong naging time para mag-blog e...tinatamad lang!

anung nagpabalik sa'kin dito?
balik hilig lang...balik sa kung anu talaga yung gusto kong 
ginagawa sa libreng oras.

Though, I can't promise that i will religiously update my blog
dahil alam ko namang hindi ko matutupad yan, but i will still
try my best. magpapasko at magtatapos na naman kasi ang taon
at nararamdaman 'kong maraming mga pangyayari ang gusto 
kong ikwento.


yun na muna.