matagal na 'kong kating kate sa pagba-blog. kung san sang' site na nga nakakalat ang mga nisulat ko na. sa friendster nung una na hindi ko naman nagustuhan ang settings, sumubok ako sa multiply na napaka kumplikado naman, sa efbee na super launching ang drama ng mga post ko. though okay naman dahil malaya ang ibang tao na nababasa ng mga naisulat ko e syempre may mga pinag-iingatan pa din ako. kaya nga ko nag sign up din sa tumblr para mas private...e parang tanga naman ako lang ang nakaka-appreciate dahil konti lang ang tao na nakakaalam na nageexist pala ang blogsite na ito hahah.
masyado rin akong maarte date sa pagba-blog. ingles kung ingles ang gusto ko dati. masyado silang mahaba at seryoso. nagba-blog lang ako pag may pinagdadaanan, na parang hindi naman talaga cool. para lang 'tong isang kaibigan na maaalala mo lang tawagan kapag may kailangan ka lang. tapos pag feeling okay na...wala na naman. kung minsan din talaga inaatake ng katamaran o masyadong iniisip kung anu ang magandang isulat para magpasikat para papampam ang post hahah...hindi naman ako masyadong histrionic nyan diba?
pero date 'yon! kamakailan lang ang dami kong naiisip, basta gusto 'kong magsulat, magkuwento ng walang sumasabat. ewan 'ko ba paranga 'kong tanga. sa sobrang dami ng mga blogger sa iba't ibang site, hindi ko iniisip kung may magfo-follow ba o wala.basta gusto ko talagang magsulat. ang dami ng nasayang n oras, mga topic sa buhay n pinalampas kasi naman pati ang ideya pala napapanis din kapag hindi naisalang agad...parang ulam lang ah haha.
gusto ko ng chill chillan na blog, fun na walang pretentions yung light lang ang arrive. yung kahit anung salita o topic ang gawin ko hindi na ko magdadalawang isip ulit na isulat ang mga ito. at kahit ga'no pa kalalim ang tagalog ko o gumamit man ako ng gay lingo jejemon o kahit tetemon pa yan e kiver lang. naisip ko, kung magpipilit akong magpakabongga na hindi ko naman kayang panindigan e parang wala lang kwenta...pati ako mismo hindi matutuwa.
kaya happy ako sa bago kong blogelya ngayon. para lang akong may sariling website. salamat sa nag-inspire sakin na si nyabachoi at nangakong idedesign ang blogpage ko na 'to. sa sobrang kasabikan blog agad di pa nga ayos ang setting. mejo nalilito ko sa setting ng blogsite na to pero alam ko makakalikot ko din 'to isang araw.
ewan ko nalang kung hindi nyo pa nadadama ang enthusiasm ko nyan ah. sorry naman....
EXCITED LANG> :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment
ang sabi nila...