quikee update

ayyyooowwnn! nakasingit din ng oras hehe. dahil sa sobrang busy ko from going to pangasinan last week at hanggang sa six days straight sa work e hindi ko maisingit sa sistema ko muna ang pagsusulat, well minsan oo pero mas hinahanap ng katawan ko ang TULOG.

ang daming nangyare sa dalawang linggong nakaraan. una e nainvite kami para magduty ng ilang araw sa isang rural health unit sa isang malayong baryo sa pangasinan. namiss ko ang pagiging nurse sa totoo lang kaya mejo bitin ang stay namin don pero dahil isang linggong leave lang sa work na pilit n pilit pa e kinailangan kong bumalik ulit sa katotohanan, ang buhay sa syudad at isa pa mukhang hindi ko kakayanin ang pagkatahimik ng buhay sa lugar na iyon.

pagbalik ko ng opisina ang daming chika na hindi ko alam kung sino unang pakikinggan at kung saan maguumpisa ahaha, and there to enlighten me ang sisters kong chikadora. hindi ko na kailanganng mag-phish pa ng info dahil pag kaharap mo na sila sigurado nakalatag ng patag na patag at walang gusot ang mga chika. anjan yung pati kami pala napagusapan, kung aalis na daw ba kami sa kumpanya at kung lalayas na daw ba kami ng pinas to pursue our career as nurses. pwes ang sagot ay hindi PA. may mga balak and we're slowly moving, sa panahong ganito mejo sigurado kami sa galaw at paghihintay namin..sya nawa. in fairness, nafeel ko kahit papano na namiss kami sa opis. kung alam lang nila na more bonding lang ako with my sister friend at konting foodtrip at mejo lustay lustay ng allowance.ang daming tanong at ang daming mga sentimyentong naganap dahil sa mga akala pero sabi ko minsan kailangan nating kumawala sa comfort zone natin para isang bagay na mas gustong gusto nating gawin kesa sa ginagawa natin ngayon kaya ayon stuck up nalang sila heheh.

sa isang linggong leave nagkaroon din ako ng pagkakataon para makipagdate. ilang linggo ding isinet yon at buti natuloy. kilig moment yon ang saya ko pero mejo awkward ng onte dail sa pagkasosyal ng lugar na pinagdalhan nya sakin for lunch.(kung sumasagi jan sa isip mo kung sino itong ka-date ko, pwes maghintay ka ng post ko tungkol sa kanya dahil most likely ikekwento ko sya pag nawala na...ayy nega haha! ayun nga mejo fine dining ang lunch, nakaktakot umorder dahil ang mahal ng pagkain sa totoo lang hindi ko naubos ang pagkain sa sobrang panghihinayang sa pera para sa isang lunch date haha...buti hindi ako nagbayad(ganda ko oh!).

it was slightly memorable kasi nafeel kong mejo kumportable na kami sa isa't isa.kahit mejo dumudugo ang ilong ko sa kai-english naming dalawa,tama foreigner siya, e ayus lang dahil alam kong nagjajive na kami at nakakatawa na kami sa pnga pasundot sundot na joke sa usapan, ang hirap kasi magjoke ng english minsan kaya para tuloy akong tanga pero ayus na. dapat manonood din kami ng sine for mejo inimate moment sana e kaso itong sinehan hindi naman nakisama...puno siya, kainis lang kaya ayown stroll kami sa mall at nag mukha kong stage date dahil sinamahan ko pa siya magpagupit na nainip talaga ko ng slight dahil sa tagal ng seremonyas ng service.

masasabi kong havey naman ang isang linggong leave na yon from work. ang daming nangyare at ang dami ding nagawa pero may katapusan e hehe kailangan bumalik na sa katotohanan at kumayod.

eto nalang muna...quikee nga e diba :)

nakakahaba ng buhok moment...

nakakatuwa lang talaga pag may mga haba buhok moment ka...yung eksena na may isang tao na gagawa ng isang kakaibang bagay na bihirang gawin sa'yo at syeympre kikiligin ka naman at fly away ang mga insecurities mo sa sarili mo in that one seldom moment.

super friend ako ng lahat at marami rami narin ako'ng naransang mga ganyan sa mga friendly friends that i meet along the way. mga pagkain na gawa nila, material things and big or small favors na maiiyak ka sa tuwa na alam mong galing sa puso nila at nagpapakitang pinapahalagahan at ka kung minsan nga may sulat pa...anu ba yun pang-high school wahahah.pero kakaiba yung feeling na ginagawa ng isang tao yon para
*hindi ako ang nasa picture sa taas (ASA)          lang talaga ma-please ka e...

may arrive na feeling mo ang ganda mo ang kinis kinis mo at wala ng tatalo pa sa appeal mo kahit pa sino.

tulad kahapon.pa-out palang ako sa opisina ng may matanggap ako'ng tawag sa telepono. isang lalaki, halatang may slang ang boses at may pagka-maarte ang pagsasalita. nangangamusta, asking how was my day, the calls i received and all achuchuchu ever. may mga episode ng ingat ka at mga interview moments tulad ng 'san ka ba talaga nagwowork?' hehe. nakilala ko siya sa isang website ng mga gulaman, minessage nya ko telling me i have cool profile and asked me to sms him daw for possible meet up (o baka possible HARHAR, haha tignan naten), syempre malandi ako ng very light kaya binigay ko naman ang number 'ko. so ayun nga sa mga usapang ganon bumanat ang kuya mo kung pwede daw ba nya 'kong i-pick up somewhere to have breakfast since on the way naman daw ang company car.oooppps company car daw...mukang bigatin 'to o baka siya ang driver hehe. hindi ako pumayag galing pa sya ng lipa at pasikat na ang araw, hindi ko afford ang  sikatan pa ng araw sa sobrang antok at pagod ng utak ko at isa pa ayoko ng pinapawisan ang kili kili ko, 'yuck haha. so ayon decline ang unang offer ni kuya na akala ko e tapos na dahil nag goodnight at ingat kana moment kami sa text pagdating ko ng house.

sakto paggising ko may mesage sya syempre nagreply ako.kinamusta nya ang tulog ko gaya ng karaniwang ginagawa ng mga karir sa buhay ko. kain na daw ako at pakabusog pa (aysus.) sabay segway sa text ng  "can i offer the idea of picking you up and bring you to (insert POE)?", hindi naman mejo persistent si kuya at naoverwhelm naman ako ng bongga. overwhelm na kilig na may tanong na bakit? at hiya na pinaghalo halo na ume-equals sa pagkaaligaga. sinubukan 'kong wag matuloy dahil wala 'kong balak umeffort ng damit on a saturday night s work at ganyan nag-uuulan tsheh, pero wala nanalo pa din siya so okay bahala na.

naguuulan nitong mga nakaraang linggo at kanina lang sumikat ng very light ang araw na sapat para matuyo ang ilan naming sinampay. wala 'kong mapili sa kanila kaya punta ko sa cabinet at nasungkit ang isang polo shirt na matagal ko nang hindi nasusuot dahil sa biglaang pag-hello ng chanena(tyan) ko. sinukat ko at nakanaman akalaing sumakto. pumayat na nga yata ko sabay ngiti sa salamin haha...AYOS! so ayown magkikita daw kami sa parking lot ng isang fast food binigay pa nga ang tatak at plate number ng kotse nya, puta may karru hehe. maaga ko umalis ng bahay para hndi masyadong maistress sa traffic at naguuulan pa. bumabadtrip lang talaga sa'kin ang mga driver na nagpapagasolina at chumichika sa kalagitnaan ng byahe pero anyway saka ko na isheshare ang mga experience kong ganyan hndi pwdeng mastress at baka pumanget hehe.

nakarating na 'ko sa parking lot. late ako. sinisingil ako ng brownie, sabi ko okay brownie lang pala e pero syempre guilty ako. ayon nga lumapit ako sa kotse nya pero walang tao punta muna ko sa isang sulok para itext sana sya pero may narinig nalang akong nag HI sa bandang malapit. uhm mejo mas matangkad sakin and he dress smart, kinuha ko ang kamay at very light na shake hands. small hi lang kami sa isa't isa at nagyaya na siya sa kotse. bago pa yung kotse nya pati amoy bago e hehe. ang awkward ng feeling talaga hindi ako sanay. ihahatid ng hindi mo naman talaga kilala pero anu pa ba e andun na. i tried to start a conversation, nag initiate ng topic pero i failed twice. nag try din sya pero wala pang masyadong conncetion parehas kami nauubusan.napunta kami sa usapang trabaho at ayuwn ang dami na nyang nasabe...na kesyo bata pa sya pero ang taas n ng posisyon nya na mejo nahanginan nmn ako ng slight pero ayos lang, sa isip isip ko bakit nga naman hindi ka magmamalaki e sa edad na 27 e nasa highest position ka na sa isang malaking kumpanya. hindi ko sigurado kung nayabangan ba talaga ko o nanliit lang ako pero wapakels noh hehe. ang ganda ng kanta habang nasa kotse na later did i know na si kc concepcion pala ang kumanta.small talk ulit kwento kwento ganyan...mejo mabagal ang patakbo niya masyadong compliant si kuya sa 60kph sa commonwealth area pero thank you lord naman ako dahil 15 minutes early ako pagdating sa office. hinatid nya ko sa mismong entrance kaya mas cool. inabot ko ang kamay nya shake hands ulit at nagpasalamat ng marame then bye.

bitin talaga ang mga gano'ng pagkikita hindi ko din alam kung masusundan pa e malay ko ba kung gusto nya lang makita ang itsura ko diba tapos wala na... close account na haha.pero para sakin' wala lang yon natuwa lang talaga ko sa idea.no more expectations...mas maganda na 'yon, parang tanga lang e, basta inaalis ko na sa sistema ko ang ugaling highschool at tweetums. basta bahala na.





**PS. sa mga oras na 'to katext ko siya at nagyayaya lumabas...pakshet lang hindi pa ko nakaktulog mula pagdating ko galing opisina. tignan nalang naten hehe...

excited lang...

matagal na 'kong kating kate sa pagba-blog. kung san sang' site na nga nakakalat ang mga nisulat ko na. sa friendster nung una na hindi ko naman nagustuhan ang settings, sumubok ako sa multiply na napaka kumplikado naman, sa efbee na super launching ang drama ng mga post ko. though okay naman dahil malaya ang ibang tao na nababasa ng mga naisulat ko e syempre may mga pinag-iingatan pa din ako. kaya nga ko nag sign up din sa tumblr para mas private...e parang tanga naman ako lang ang nakaka-appreciate dahil konti lang ang tao na nakakaalam na nageexist pala ang blogsite na ito hahah.

masyado rin akong maarte date sa pagba-blog. ingles kung ingles ang gusto ko dati. masyado silang mahaba at seryoso. nagba-blog lang ako pag may pinagdadaanan, na parang hindi naman talaga  cool. para lang 'tong isang kaibigan na maaalala mo lang tawagan kapag may kailangan ka lang. tapos pag feeling okay na...wala na naman. kung minsan din talaga inaatake ng katamaran o masyadong iniisip kung anu ang magandang isulat para magpasikat para papampam ang post hahah...hindi naman ako masyadong histrionic nyan diba?

pero date 'yon! kamakailan lang ang dami kong naiisip, basta gusto 'kong magsulat, magkuwento ng walang sumasabat. ewan 'ko ba paranga 'kong tanga. sa sobrang dami ng mga blogger sa iba't ibang site, hindi ko iniisip kung may magfo-follow ba o wala.basta gusto ko talagang magsulat. ang dami ng nasayang n oras, mga topic sa buhay n pinalampas kasi naman pati ang ideya pala napapanis din kapag hindi naisalang agad...parang ulam lang ah haha.

gusto ko ng chill chillan na blog, fun na walang pretentions yung light lang ang arrive. yung kahit anung salita o topic ang gawin ko hindi na ko magdadalawang isip ulit na isulat ang mga ito. at kahit ga'no pa kalalim ang tagalog ko o gumamit man ako ng gay lingo jejemon o kahit tetemon pa yan e kiver lang. naisip ko, kung magpipilit akong magpakabongga na hindi ko naman kayang panindigan e parang wala lang kwenta...pati ako mismo hindi matutuwa.

kaya happy ako sa bago kong blogelya ngayon. para lang akong may sariling website. salamat sa nag-inspire sakin na si nyabachoi at nangakong idedesign ang blogpage ko na 'to. sa sobrang kasabikan blog agad di pa nga ayos ang setting. mejo nalilito ko sa setting ng blogsite na to pero alam ko makakalikot ko din 'to isang araw.

ewan ko nalang kung hindi nyo pa nadadama ang enthusiasm ko nyan ah. sorry naman....
EXCITED LANG> :)

akala ko lang...hindi pa pala (part 1)

mag-iisang taon na din pala mula nung naging kame...alam ko sa sarili ko limot ko na sya.okay na 'ko. nag-blog pa nga ko sa efbee of my so called claim na "i'm okay" diba?...haha pero anu 'tong mga achuchuchung nagaganap?

isang araw.
isang instant message ang nag pop-up sa efbee screen. hmm..halos inabot ako ng ilang minuto sa pag-iisep kung sasagot ba 'ko o hindi. pero dahil malandi ako...sumagot parin ako syeympreh hehe. ayon kamustahan na may pagka-awkward,kilig at pagtatakang nagaganap at kala mo'y may dagang umiikot ikot sa tyan ko. panu namang hindi magiging awkward e may mga tanung sya na "namiss mo ba 'ko?"...kung hindi ba naman may pagka-echusero!

nagtatanong sya kung bakit hindi na daw ako nagtetext. sa isip-isip ko.."bakit pa? e ex na nga diba...sinaktan mo ko?kala mo friends tayo...hindi ako gago!"...pero syempre hindi ganon ang sagot ko...ang sabi ko nalang nawala ung number niya, na nasundan ng tanong na "bakit nawala?"...ang sagot kobasta nawala, na nasundan ulit ng "binura mo 'no?"...nagdeny ako pero alam 'kong hindi sya naniwala. in the middle of awkwardness and slight kilig ako non kaya kinuha ko ulit ang number at tinext sya na nasave ko n ulit number nya.

isang beses lang ako nagtext at hindi ko na tinangkang umulit, parang wala naman kase yong chat namen e malay ko ba kung talagang nangangamusta lang.

isang araw ulit.
tipsy tipsy pa ko at halos lumundo na ang ulo ko sa balikat ng katabi ko sa jeep dahil nakakatulog ako sa sobrang kalasingan. narinig ko ang pang-romansa 'kong ring tone. aligaga 'kong dinukot ang cellphone sa bag at mejo gulat na nakita ang pangalan nya. sinagot ko syempre, at bungad na tanong e kung bakit sya napatawag. with his deep voice na parang nasa isang kulob na lugar e nabuhay ang diwa ko. lalo na nung pina-iral nya na naman ang kalandiang mga tanong na "namiss mo ba 'ko?"...tawa nalang ang sagot ko, pero hinid sya tumigil hanggat hinid nya naririnig ang gusto nya at nag- give in naman ako hehe.

kahit hindi ako sanay makipag-usap sa telepono ng nasa jeep, kiver lang. kamustahan galore syempre. masayang kwento niya na nakalipat na daw siya sa isang apartment with friends...(friends lang ba?) at kung anik anik pa. dahil sa ngenge talaga ako wala siyang nakuhang matinong kwento galing sakin, ang sabi ko nalang "wala 'kong tulog"...sabay banat niya na "dito ka na matulog, ako lang dito"....tambling ako don, hindi ko kinaya at tanong sa sarili ng anung meron?

hindi nagkasya sa mala-araneta coliseum kong pag-iisip ang mga statement na 'yon!
hindi ko rin alam kung anu ang isasagot.
at lalong hindi ko alam kung saan papunta ang usapan.

at bigla bigla nalang, namatay ang linya... lowbat!awww

hanggang ngayon hindi ko alam kung ang pagka lowbat ba ng telepono ko ay badtrip o goodtrip....kayo nga?